Entry: A Story Long Lost and Forgotten Friday, May 11, 2007



This is a very old entry of mine, about two years ago. I said a few days ago that I can no longer write the way I used to. Seeing this old post, I can really say that I can no longer write like this again. This is an essay overflowing with emotion. I must have had may muse when I wrote this.


-----------------------------------------------




Noong sabado, ako ay sumama sa aking ate na mag-swimming. Inaya niya akong kumain ng ice cream. Syempre sumama ako dahil gusto ko ring kumain ng ice cream dala ng init.

So, ayun. Naglakad kami patungo sa stand ng selecta at nagtingin-tingin sa mga makukulay at naguusok sa lamig na ice cream.

"Miss, Cornetto nga po," ang sabi ng aking ate sa tabi ko.

Binuksan nung babae ang pinto ng freezer ng ice cream at kumuha ng isang cornetto sundae.

"Miss, isa na nga rin ho," ang aking sabi.

Binigay nung babae ang Cornetto sa amin at binuksan ko ang supot na bumabalot sa kutsarang kahoy. Matapos nun ay aking dahan-dahang inangat ang plastic na takip ng Cornetto.

Dahan-dahan kong binaba ang kutsarang kahoy sa malmig na ice cream na kulay kahel na mayroong tipak-tipak na tsokolate nang bigla akong napahinto....

Libo-libong ala-ala ang nagraragasang pumasok sa aking isipan. Para bang isang mabilis na ilog ang biglang sumambulat sa aking buong pagkatao.

Libo-libong alaala ang pumupuno sa aking isipan... mga alaalang ayoko ng makita....

At, oo, lahat ito ay dahil sa isang Cornetto Sundae....

**************

Hindi ko na maalala kung anong edad ko noong una akong kumain ng Cornetto. Pero ang alam ko ay yoon ay noong bago pa lang ito--yung mga panahon na may nakalagay pang "new" sa lalagyanan nito.

At naaalala ko pa noong una akong nakakain nito... kasama ko ang aking nanay. Siya ang nagyaya na kumain nito dahil kami ay naiintriga sapagkat ito nga ay bago.

Masarap nga ito at magmula noon ay nahumaling na kami ng aking ina sa kakaibang ice cream sundae na ito.

**************

Ilang taon na ang lumipas. Hindi na ako nakatira sa nanay ko, pero noong isang beses ay umuwi ako para bumisita.

Tandang-tanda ko pa noong sinamahan ko siya mag-grocery. Nahirapan kami noon dahil ang daming tao. Kaya sabi niya ay doon na kami mananghali.

Pagkakain namin ay naisipan naming mag-desert, at, oo, Cornetto po ang kinain namin.

Ang saya namin noon....

Ang saya namin....

**************

Mga isang taon na ang nakakalipas at naghihirap na talaga ng todo ang nanay ko. Ni hindi na niya alam kung saan kukuha ng ikabubuhay.

Ang sabi niya pa nga sa akin noon ay ang hirap na ng buhay. Sobrang tipid na niya sa lahat, kahit na sa pagkain. Pero pag paminsan-minsan ay gusto niya na medyo maiba ay bumibili siya ng, opo, Cornetto kapag siya ay lumalabas.

Naaawa ako sa kanya...

Naawa talaga ako...

**************

Kahit noon pa man ay hindi na rin talaga ako naging malapit sa aking ina. Hindi rin talaga akong naging tuluyang masaya sa puder niya kaya nga sumama ako noon sa ate ko at ngayon ay sa tatay ko.

Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiaalis na nanay ko siya, at hindi ko pa rin maitatangi na naaawa ako sa kanya....

Naaawa....

Pero madaming mapapait na alaala ang hatid niya sa akin. Masyadong masasakit na alaala.

Pero nanay ko pa rin siya....

***************

Samut-saring kulay ang nasa Cornetto ice cream na iyon. May brown, black at white. Parang mga alaalang bumabalik sakin ngaun. May masasaya, mapapait, at mga ayaw ko ng isipin pa.

Lagi na lang ganito, pilit kong tinatakbuhan ang mga alaala ko ng nakaraan. Pero sa karera kong ito, lagi akong talo.

Ang alaala, parang ice cream. Pilit mo mang tunawin, ice cream, andyan pa rin. At ilang oras lang sa freezer buo ulit....

Ang saklap...

At tulad ng mga rumaragasang alaala na pumasok bigla sa isip ko, ganoon din ngaun katulin tumulo ng luha ko sa aking mga pisngi....

malalamig sa balat, kasing lamig ng ice cream na iyon....



------------------------------------------------

And even after a few years, nothing has changed. The ice cream still tastes as sweet and as bitter two years ago. And it's still as cold as the tears that flowed that night--maybe colder.

That day is nearing....

Again...

-Robert

   1 comments

angel_c
May 11, 2007   02:47 PM PDT
 
*hug*

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments